Tuesday, May 31, 2022

Siya'y Aking Panaginip

Binabaybay ko ang taas ng aking aakyatin. Ang matatarik at matatalim na mga batong nakausbong, mga natatanging aalalay sa aking paglakbay. Masilayan man kung ano ang nagtatago at tinatago, binibining gawa sa ginto o gintong binibini na aking aangkinin. Kahit na mistula sa paningin man lamang.

Ang harden ng mga punong kahoy, daan taon o libo pa mang sumibol na siyang inilagaan ng mga naunang nanirahan at ngayon ay nagbabayad sa pagalaga ng mga mata na mapapatingin mula sa malayong luklukan o malayang parang. Kung sino man ang makakita nais ko’y inyo rin kapanabikan ang inyong paglalakbay sa pag-uwi o kung ‘di man ay may matutuluyang kayong malambot na higaan sa inyong pagtulog.

Ang lawa taliwas sa gilid at kabila ng bayan na siya may likha sa araw at sa gabi’y lilikhain ang buwan sa pagwangis nito sa kanyang malasalamin na linis. Kung sa malayo ay tanging bughaw na kalangitan lamang ang makikita at sa malapit naman ay mistulang wala maliban lang sa lumilipad na mga isda mapapansin.

Ang bayang munti na umusbong mula sa maliit na butil ng pagasa na siyang inilagaan ng mga ninuno’t purok at hari’t reynang unang nangako’t nangarap ay ngayon nang may mapayapang pamumuhay at natatanging kagandahang makikita lamang wala sa siyudad ng emperyo. Kung dito man lamang ako lumaki, marahil wala akong narating pero di maaalis ang gayak at ngiting mangingibabaw sa aking puso.

Sa gitna ng lahat ng ito sa may bandang itaas, hindi naman masyadong malapit sa kalangitan ngunit tinitingala ang kastilyo sa langit nakawasto sa ibabaw ng bangin. Kung sinumang prinsesa ang itinatago sa aking paningin sana ay aking masilayan. Malaman man lamang ang tinig ng iyong boses, ang pagkislap ng iyong mata at ang kabighabighaning mong kagandahan. Payak ba ang iyong kilos o sadyang mala brilyante sa ingat sa sarili’t kapwa? Ano kaya ang iyong ugali? Lahat ba ng iyong bisita’y napapaibig? Silang lahat ba’y nasa iyong palad? May pagasa ba ako?

Ngunit lahat ng ito’y walang saysay kung ikaw ay aking hindi makikita. 

***

Tumakbo ang nagbalatkayong prinsipe ng malayong lugar. Ninais nyang masaksihan ang tibay ng kawal sa laban. Napatumba na nya ang ibang alagad, walang napaslang, ngunit bakas ang pagkatalong lubusan.

“Mahina,” ang bulong nya habang siya ay tumakbo paitaas ng bubungan ng kastilyo. “Wala na bang mas lalakas pa sa inyong mga tagapagbantay?”

Ang mga guwardiya ay nagpatuloy sa pahabol. Napasigaw ang iba. Ang kapitang guwardiya hingal na sa kauutos. Ang hari ay di na mapakali. Sino nga ba ang magnanakaw na basta na lamang nakapasok sa kanyang kastilyo?

Sa pagtakbo ng prinsipe naakit siya sa ganda ng kapaligirang nakapaligid sa kastilyong nakatirik sa mataas na banging nakasilid sa ibabaw ng nakabibighaning lawa.


Ito ba ang tinutukoy nilang lawang sumilang sa araw at buwan?” Napaisip ang prinsipe. “Sa sobrang mala salamin ay mistulang maakala mong mismong langit ang nakikita mo sa may malayo. Kaya ba nila tiniwag ang lugar na itong kastiloy sa langit dahil ba don? Hindi mo rin maikakaila ang ganda ng kakahuyang nakapalibot. Marahil daan taon o siglo ang pangangalaga ng kalikasan dito na hindi madaling mapansin ang bakas ng sibilisasyong namuhay dito. Tamang mapagmahal na sinasakupan at namumuna ang siyang may kakahayang mapanatiling ganitong kaayusan. Hanggang dito nga’y hindi ko maitatangging nasisimoy ko ang dahon sa mga puno.”

Sa may di kalayuan napansin na ng prinsipe ang ginawang pagsugpo sa kanya. Alam niya nang di niya na ito matatakasan kung wala siyang gagawin. Napalundag sa balustrades ang prinsipe at tinalon talon paakyat ang mga bubong sa kastilyo. Kabilaang lumipad sa kanya ang mga pana ng mga kawal ngunit walang tumama. Ang prinsipe ay dalubhasa sa pagilag.

“Tigil!” sigaw ng mga kapitang guwardiya. Mistulang napahinto ang paglipad ng mga pana at tumahimik ang kaguluhan ng mga guwardiya..

“Suko na ba sila?” sabi ng prinsipe at bahagyang binagalan na niya ang kanyang pag takbo. “Mahihina talaga. Dapat itong malaman ng hari. Ang simple paglundag at akrobatiko ay dapat matutunan ng mga kawal at sundalo. Paano kung sila ay lusubin sa ganitong paraan?

Sa may ay napansin niyang nakaabang ang mga kawal sa balkonahe. Isa pala itong patibong.

“Magaling,” bulong ng prinsipe. Ibaba na sana ng prinsipe ang kanyang balabal at maskarang balatkayo ay napahinto ito nang makita sa may kabilang balkonahe ang prinsesa ng kahiraan. Siya rin ay napansin nito.
----

Tumunog ang alarma ng orasan ni Mark John. Unang araw ng kanyang klase sa mataas na paaralan at nais niyang pumasok ng maaga. Bumangon si Mark John, nagayos ng higaan at dumiretso sa CR. Bakas sa salamin ang kaba sa kanyang mga mata. Panibagong paaralan, panibagong umaga ng kanyang buhay at ang panaginip sa prinsipe ay naglaho na lamang na parang bula.

No comments:

Post a Comment