Nakatingin sa kanya ang dingding ng samut saring mga medalyang palamuti't lumang litrato ng mga taong nagkakamayan, may mga balak, naghahapunan, mga pakitang tao, nakangiti, lumuluhang mga buwaya, masasayang mukha, mga nakamaskara, sumasayaw at pinapagalitan. Sa may bandang itaas nakasabit ang mukhang nagtuturo ng akmang napapanahon sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Iyon lamang ay kung marunong kang magbasa ng orasan na may kamay. Mga ukit ng kalungkutan ang koloretang namumugto sa bawat sulok ng kisame. Himalang walang sapot ng spiderman ang naka renta.
Mainit din ang pagbati ng mga tropeyong sa harap lamang makintab, 'di alintana ang alikabok na namumuo sa kalooblooban at inapakan. Sa ilalim ng lamesa, kung kukurutin, makakapa ang mga makasaysayang fossil mula sa mga estudyanteng walang magawa kundi ngumuya ng bubble gum.
Nakatambay naman sa may bandang gitna sa likuran ng silid ang dalawang nakatambay na mga bandila na marahil ay hindi na muli mararanasang magwagayway. Mataas ang tingin ng iba pero sa kanilang sarili, mga lipas na ng kapanahunan. Halata ito sa luhang mantya na dumaloy sa bigkis ng tela ng mga bandila.
Tumunog na ang dambana. Hudyat na para sa na ikalimang paghuhukom sa araw ng pagod at pawisan na si Mark John. Hindi siyang makapaniwalang mapatawag siya sa office sa unang araw ng pasok niya. Iniisip niya isa-isa ang mga problema kinahaharap niya. Nakalimutan niya ang kanyang I.D. Hindi alam kung anong room ng section niya. At lunch break na kung pumasok. Lahat ito'y tinuturo niya sa kanyang kuya Rolly. Kundi lang kasi naiwanan ang wallet ng kuya niya ay hindi magkakaganito ang buhay.
Napatingin si Mark John nang magbukas ang pintuan sa likod ng silid. Napangiti kay Mark John ang isang gurong pumasok at hindi napgilang mapasimangot. Naupo siya sa likod ng lumang mesa sa gitna ng silid.
"Mark John," malumay na salita ng guro. "Tama ba?"
"O-opo," nanginginig sa sagot ni Mark John. "Ma-Mark John Orese. Po."
"H'wag ka matakot, hindi ako nangangagat ng mas bata," sabi ng guro.
Tahimik naka yuko ang ulo ni Mark John. Hindi niya alam ang sasabihin sa gurong kausap nya. Tinapat sa kanya ang bentilador ng guro nakaupo. Napansin nitong tumatagaktak sa malamig na pawis ang bata. Tumayo ang guro at binuksan amg pintuan sa harap.
"May pamalit ka ba na damit?" tanong ng guro. "Hindi mo ba napapansin ang amoy ng kabayo este ng dungis kasi ng iyong kasuotan. Kung wala may dala akong damit, sa tingin ko kasya naman sayo. Damit ito ng anak ko, siguro ay kakasya sayo."
Inilabas ng guro ang uniporme na iba sa kasuotang suot niya at ibinigay ito kay Mark John. Kinakabahan naman itong tinanggap ng estudyante. Naka ngiti ang mukha ng bata sa larawan sa ibabaw ng mesa ng guro. Karga ito ng isang ginoong may tikas ng opisyal ng militar. Napa silip si Mark John sa mabuting guro kausap niya. Nasa isip niyang asawa niya ito. Pero tila bang magkapatid ang dalawa sa malapit na malapit na pagkakahawig ng kanilang mukha.
"Gagawa na lang ako ng sulat para bigyan ka ng permisong masuot ito. Saglit lang," Tumayo ang guro at lumbas sa harap na pintuan.
Rose Andag, ito ang nakalagay sa placard sa ibabaw ng mesa ng mabait na guro. Napansin din ni Mark John ang nakalagay na Guidance Counselor sa ilalim ng pangalan pero hindi niya alam ang ibig sabihin nito.
Napunta ang atensyon niya sa nakatayong ballpen na hawak ng statwang anghel na yari sa marmol. Naalala tuloy ni Mark John yung napananood niyang series na Doctor Who ng mga statwamg gumagalaw kapag hindi tinititigan. May aninong dumaan sa salamin na naka titig kay Mark John. Nabaling ang kanyang tingin sa statwa ng saglit at hinanap kung ano ang lumipad sa kanyang likuran. Nang maalala nya muli ang statwa, muli niya itong tinitigan. Pabalik balik ang kanyang tingin sa mukha ng statwa at sa bandang paanan nito. Mukha ata gumalaw. Sa may bandang likuran ni Mark John ay may kumaluskos ngunit imbis na ito'y tignan ay hindi na binaling ang pagkakatitig sa statwa. Unti-unting bumabaluktot ang bibig ng statwa para bang ngumingiti. Tumagaktak ng lubusan ang pawis ni Mark John. Dalawang bagay lamang ang nasa isip niya. Ang kumakaluskos sa kanyang likuran at ang statwa na gumagalaw sa kanyang harapan.
Isang mabigat na kamay ang pumatong sa balikat ni Mark John, kumuha ng kurot ng buhok sa may patilya niya't hinatak. Napalundag sa gulat at takot si Mark John.
"Ginagawa mo dito?" tanong ng kuya Rolly niya. Naka siya suot ng masikip na PE uniform at amoy cologne. "Ang baho mo."
"Ikaw kasi eh," galit na sagot ni Mark John.
"May pamalit ka?" tanong ng kuya Rolly niya. "Pinahiram ako ng damit ni Badet. Medyo masikip nga lang." Naupo si Rolly katabi ni Mark John.
"Hinihintay ko si teacher Andag," sabi ni Mark John. "Pinahiram niya ako ng damit ng anak niya." Tinuro ni Mark John yung litrato sa may lamesa.
"Nandito pa pala si sir Tha," sabi ng kuya Rolly niya.
"Certa?" nagtatakang tanong ni Mark John.
"Ay hindi mo pa alam?" nagningning ang mga mata ni Rolly. "Si ma'am Rose ay dating-"
Kumatok sa pinto ang guidance counselor. Napangiti siya kay Rolly at napasimangot naman kay Mark John. Tumuloy siya sa kanyang lamesa at nilapag ang mga papeles na bitbit niya. Nilakasan niya ang hangin sa ventilador, inayos ng kaunti ang pagkakatutok at nagbukas ng ceiling fan. Humingang malalim ang guiadance counselor. Namula't namasa ang kanyang mga mata at muntik nang hindi mapigilang masuka.
Nais itanong ni Mark John kung maayos lang ba ang kalagayan ng ginang. Ngunit tinapik ni Rolly ang balikat ng nakababatang kapatid at sumenyas na h'wag na ituloy ang balak. Hindi na pinansin ng magkapatid ang nangyari sa ginang.
"Magkapatid kayo dalawa, Rolly?" tanong ni ma'am Rose. Habang binabaybay ng kanyang ng mata't kamay ang mga papeles na bitbit niya.
"Yes po, sir Tha," sagot ni Rolly. Napangiti ang ginang.
"Certa?" tanong ni Mark John. Ngunit hindi ito narinig ng dalawa.
"Rolly," sabi ni ma'am Rose. "Samahan mo muna itong kapatid-" lumobo ang pisngi ni ma'am Rose, may sukang namuo sa kanyang lalamunan at nagpupumulit makisama sa kanilang usapan. Dali niyang tinakpan ang kanyang bibig at tumalikod. Nang huminto na ang pagkatok ng suka ay nakahinga ng medyo maayos si ma'am Rose. "Samahan mo muna mag palit si Mark John sa CR. Hindi nya pa alam dito."
Tumayo ang dalawa at nagtungo ng WC. Si ma'am Rose naman ay dali dali kumuha ng air freshener at nagspray sa loob ng kanyang opisina.
Malawak ang pasiliong dinaanan ng magkapatid. Iniunat ni Mark John ang kanyang dalawang kamay para sukating ang pagitan ng dalawang dingding. May pailan-ilang estudyante ang makikita sa dulo ng pasilio. Karamihan ay nasa loob na ng silid aralan.
"Saan pala ako pupunta, kuya Rolly?" tanong ni Mark John.
"Palit ka muna ng damit," sabi ni Rolly.
Napasilip sa kanila ang isang oras sa loob ng isang silid aralan. Labinglimang minuto na ang nakalipas simula ng ika anim na subject. Ang mga estudyante sa loob ng mga nadaanan nilang mga kwarto ay naka harap sa blackboard, tumatayo at nagsasalita sa oras na maupo na ang katabi nila.
"May intro-intro pa pala, nakalimutan ko," sabi ni Mark John.
"Teka nga?" napahinto silang dalawa. "Hindi mo pa ba napuntahan homeroom nyo?" Napailing si Mark John at ikinuwento niyang naiwan niya ang kanyang I.D.
"Hindi pa nga ako nagla lunch break, pinapunta kasi ano ni mamang guard sa office," sagot ni Mark John.
"Ibig sabihin hindi ka pa kumakain?" tanong ni Rolly sabay dukot sa loob ng bag niya at naglabas ng unsponsored Rebisco Peanut Butter Cookie. Binuksan niya ito at pinagsaluhan ng magkapatid habang naglalakad.
"Ang higpit pala dito, kuya," sabi ni Mark John. Napangiti at napailing si Rolly.
"Hindi naman," tumawa si Rolly. Tinignan niya ang kanyang cellphone para makita ang oras. "Nako patay, nagiintay na naman sa akin si Badet. Samahan na lang kita papuntang CR at bumalik ka sa guidance office. Si sir Tha na lang bahala sayo doon."
Nang makarating na sila ng CR ay tumakbo ulit ang kuya Rolly niya at umakyat sa may bandang dulo ng pasilyo. Napaisip tuloy si Mark John na kanina pa takbo ng takbo ang kuya niya.
Pumasok si Mark John at nakitang niyang may mga estudyanteng lalake at babae sa loob ng kubetang nakabukas. Ang dalawa ay naghahalikan. Napahinto si Mark John at nanuod sa dalawa. Napahinto ang dalawa nang maamoy ng babae ang masalimuot na amoy at itinulak ang lalake.
"Anong amoy yun?" tanong ng babae.
"Ano ka ba?" tanong ng lalake sabay sunggab ng halik sa bibig ng babae. Tumagi ang babae at muli siyang tinulak.
"Potek, saglit lang Noel," sagot ng babae.
"Ano ba, Ray?" galit na tanong ni Noel. Sabay singhot niya at napasimangot ang kanyang mukha. "May amoy nga."
Nagsisinghot na parang aso si Noel pero hindi niya matukoy kung nasaan ang nakakabagabag na amoy. Napansin naman agad ni Ray si Mark John na nakatitig sa kanilang dalawa. Hindi siya sumigaw subalit ay pilit niyang tinuturo ang batang nanunuod sa kanilang dalawa. Hindi siya pinapansin ni Noel.
"May naapakan ka ata, Ray," sabi ni Noel. Ito naman ay tinugon ng sampal ni Ray. Magsasalita pa sana si Noel pero nang makita niyang may tinuturo ang kanyang kasintahan ay tumalikod na ito. Doon lamang niya napansin si Mark John na nakatitig sa kanilang dalawa. Nagkatitigan ng tahimik ang tatlo.
"Sino ka?" tanong ni Noel.
"Bold," sabi ni Mark John. Sinisitan naman ng katahimikan ni Ray ang binatang nakakita sa kanila.
"Anong bold?" nahihiyang tanong ni Ray.
"Ginagawa nyo," sagot ni Mark John. Napaubo si Noel at napahinga ng malalim. Nalanghap niya ng buo ang kabayong amoy na dala ni Mark John.
"Takte ang baho!" sigae ni Noel.
"Bobo, h'wag kang sumigaw," nag ayos si Ray ng kunti at tumakbo habang nagaayos ng make up sa mukha.
"Bata, maligo ka nga muna saglit. May drum ng tubig dyan at sabon na iniwan nung janitor. Hintayin kita dito," sabi ni Noel. "Galit na naman sa akin si Ray."
Napangiti si Mark John. Naghilamos at nagsabon ng ulo't braso't kamay. Pumasok sa cubicle at nagpalit na ng damit. Habang tinatanggal niya ang damit ay nagtanong si Noel sa labas.
"Anong year mo?" tanong ni Noel.
"First year po," sagot ni Mark John.
"Section?" tanong ni Noel.
"Hindi ko po alam," sabi ni Mark John. Inamoy niya ang siyang niyang damit at hindi niya maikalang siya nga talaga ang muntik nang dahilan ng pagkakasuka ni ma'am Rose kanina.
"Paanong hindi mo alam?" nagtatakang tanong ni Noel.
"Nalimutan ko po ID," sabi ni Mark John. Sinuot niya ang damit na pinahiram sa kanya at ang pinagsuotan niya ay kanyang nilagay sa supot na kasama ng pinahiram na damit.
"Oh? Si sir Thata, nakausap mo na ba?" tanong ni Noel.
"Sir Thata? Certa. Ah, si ma'am Rose po?" tanong ni Mark John.
"Sino pa bang iba?" tanong ni Noel.
Lumabas si Mark John suot na ang damit ng anak ni ma'am Rose. Bibit niya ang mahigpit na nakataling supot na pinaglalagyan ng kanyang damit.
"Ang baho mo pa rin," napahinto si Noel. "Ano nga pala pangalan mo?"
"Mark John po," sagot ni Mark John.
"Noel Amo, third year Saber," sagot ni Noel. "Tawagin mo na lang akong Lato." Sabay abot ni Noel ng cologne. "Ito gamitin mo, ubusin mo na rin. Bibili na lang kami mamaya ni Ray."
Tinanggap ito ni Mark John at nagbuhos ng cologne sa sarili.
"Wisik lang," sabi ni Noel sabay tawa.
"Hindi mo naman kasi sinasabi, kuya Lato," sabi ni Mark John.
"Pagkatapos mo tara kay sir Thata," sabi ni Noel. Muling narinig ni Mark John ang ibang pangalan ni ma'am Rose.
"Sir Thata? bakit sir ang tawag niyo kay ma'am Rose?" tanong ni Mark John.
"Kasi dating-" napahinto ang tugon ni Noel ng pumasok si ma'am Rose sa CR ng mga lalake. "Sir Tha?"
"Nag-alala lang ako. Bakit ang tagal mo bumalik Mark John?" tanong ni ma'am Rose. Napangiti siya nang makita niysng suot ng estudyante ang uniporme ng anak niya. "Kasya ba sayo?"
"Kasya po, ma'am Rose," sagot ni Mark John.
Napuno ng galak ang mga mata ni ma'am Rose habang iniabot niya ang kanyang kamay para hawakan ni Mark John. Ito naman ay nahihiyang pinaunlakan ni Mark John. Sila ay magkahawak kamay. Napa ubo si Noel sa hindi mapigilang pagtawa sa nasaksihan. Siya ay napansin ni ma'am Rose.
"Wala ba kayong practice ngayon, Noel Amo?" tanong ni ma'am Rose.
"Ay, ah, mayroon po, sir Tha," nagaatubiling sagot ni Noel.
"Bakit nandito ka pa, Noel Amo?" tanong ni ma'am Rose.
Napansin ni Mark John ang pagkataranta sa mata ni Noel.
"Ma'am Rose, nagpasama po ako kay kuya Lato," sabi ni Mark John. "Binigyan niya po ako ng cologne kasi daw po mabaho amoy ko."
Niyakap ni ma'am Rose si Mark John at inamoy ang bumbunan. Napasimangot ng kunti si ma'am Rose pero nanatiling nakangiti. Namula ang mga pisngi ni Mark John.
"Palalagpasin ko itong kapabayaan ko, Noel Amo. Tandaan mo, first day ng classes ngayon," babala ni ma'am Rose. "Ayusin mo, Noel Amo."
"Opo, sir Tha-" nilapitan at binulungan ni ma'am Rose si Noel.
"Alam ko kung saan ka nakatira," sabi ni ma'am Rose. Umtras si Noel at naghilamos sa lababl. Nakangiting humarap si ma'am Rose kay Mark John. "Tara na, Mark John. Dapat tularan mo ang kuya mo."
"Si kuya Rolly po?" tanong ni Mark John.
"Ace player siya ng varsity team at parte siya ng quiz bee team ng school. Hindi niya ba nasabi?" Ang namamanghang pagmamalaki ni ma'am Rose. "Alam ko yung research club nila ay may special permission galing principal. Kahit mag absent siya hindi siya babagsak."
Nanlaki ang mga mata ni Mark John. Hindi siya makapaniwala sa husay ng kuya Rolly niya. Inubo si Noel habang nagmumumog.
"MJ, kuya mo si Rolly?" tanong ni Noel.
"Opo," sagot ni Mark John. Hinatak ni ma'am Rose ang hawak niyang estudyante papunta sa kanya. Mas lalong na namula si Mark John.
"Bakit nandito ka pa, Noel Amo?" tanong ni ma'am Rose.
"Ahem, sir Tha," nakangitint sagot ni Noel. "Parte po ako ng research club nila Rolly."
"Kakausapin ko ang adviser ng club niyo mamaya," striktong sagot ni ma'am Rose. Nanlaki ang mga mata ni Noel, humingi ng tawad at mabilis na naglakad palayo.
"Ganun po ba talaga kagaling si kuya Rolly?" hindi makapaniwalang tanong ni Mark John.
"Tara na, Mark John," sabi ni ma'am Rose. Hatak niya ang kamay ni Mark John. Nagmadali naglakad si Mark John para lang makasabay sa mabilis at mahahabang hakbang ni ma'am Rose. "Si Rolly na lang ang tanungin mo mamaya kung hirap kang makapaniwala."
Nagtungo sila ng guidance office para makuha ang bag ni Mark John.
"Iwan mo na dito yung damit mo, Mark John," utos ni ma'am Rose. "Ako na lang maglaba- ako na lang magpalaundry niyan."
"Ay hindi na po, ma'am Rose. Okay na po," sabi Mark John. Habang pilit niyang pinapasok ito sa loob ng kanyang bag. Ito naman ay malumanay na hinawakan ni ma'am Rose.
"Iwan mo na lang dito, anak," sabi ni ma'am Rose. Tumayo ang balahibo ni Mark John.
"Bitbitin ko na lang po, ma'am Rose," nanginginig na sinabi ni Mark John.
"Mahihirapan ka kung bibitbitin mo," nagpumilit si ma'am Rose. "Alam mo naman ang amoy niyan." Maaninag sa kanyang mukha ang pagkasalimoot. Tiyak na ayaw ng guidance counselor maamoy ng iba ang naamoy niya. Napahinto si Mark John at namutla siya si hiya. Pinaubaya na niya ang kanyang damit kay ma'am Rose.
Bitbit ni ma'am Rose ang kanyang mga papeles habang si Mark John ay nasa likod niya. Sila ay nag tungo ng faculty room.
Pumasok si ma'am Rose sa faculty. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ito at magkahawak kamay ang dalawa na nagtungo ang sa homeroom ng Alexander-1.
Hindi na nakaimik si Mark John. Nahihiya siya sa nangyari sa kanya.
"Alam kong kasing galing mo kuya mo. Sigurado akong Alexander-1 ang section mo, star section ng mga first years," pagmamayabang ni ma'am Rose.
Napangiti si Mark John. Hindi niya inaasahang mapabilang sa star section. Nabaling ang isip niya sa nangyari sa umagang iyon papunta sa mga naisagot niya sa entrance exam. Hindi niya maalala kung mahirap ba talaga o madali lang ang mga tanong. Sinubukan niyang kalimutan ang nangyari ng tanghaling iyon.
Nang makarating sila sa homeroom ng Alexander-1 nasulyapan niya ang magandang binibining nakita niya nang pumasok siya kanina. Mabagal ang ahon ng binibi sa kanyang inuupuang silya, nagwawagayway ang kanyang makintab na itim na buhok at ang kanyang mga mata niya kasing hiwaga ng sanlibutan, nagniningning at kumikinang. Ang mga pilik niya mistulang mga ulap na nagtatago ng kaganda sa gabing malalim. Ang mga pisngi niya mala kulay rosas na ang kulay natatangi lamang sa hardin ng Eden. Ang kanyang labi ay hindi gaano ang kapulaan pero alam ng kahit sino man makakita ay kasing tamis ng pulot ng mga bubuyog sa hardin ng Eden. Nagtungo ang diwata ng Eden sa harap ng klase at lumabas sa likod na pintuan.
Nais tawagin Mark John ang diwata pero hindi na niya ito ginawa. Magiging magka klase naman sila.
Tinawag ni ma'am Rose si ma'am Amanda para ipakilala si Mark John. Pinaliwanag niya ang nangyari kay Mark John at binanggit niya ang kuya nito. Tinignan ni ma'am Amanda ang kanyang notebook para tignan kung nasa klase niya ba si Mark John. Malungkot na lumapit sa kanila si ma'am Amanda at sinabi hindi kasama sa Alexander-1 si Mark John.
Ipagtatanggol sana ni Mark John ang kanyanf sarili na dapat parte siya ng star section. Pero napagtantong niyang hindi talaga siya nararapat mapabilang sa star section. Bumalik sa kanyang alalala ang mga naging sinagot niya sa kanyang entrance exam. Humingi ng paumahin sa istorbo si ma'am Rose at nagpasalamat. Malungkot ang mukha ni Mark John dahil hindi niya magiging kamag-aral ang babaeng tinadhana niya sa sarili niya.
Nais pa sana magtagal ni Mark John para makausap ang kanyang diwata pero naalala niya muli ang nangyari kanina. Siya ay nagmadaling hinatak ni ma'am Rose. Magtutungo na sana sila sa section two, ang Caesar, nang makasalubong nila ang kuya Rolly niya.
"Sir Tha," bati ni Rolly kay ma'am Rose. Napangiti ito at humingi ng paumahin. "Pasensya po at iniwan ko kanina ang kapatid ko, may meeting pa po kasi kami kanina ng research club at pinatawag din po ako ng student council."
Tatanungin sana ni Mark John ang kuya niya tungkol sa mga nagawa nito. Kaso naunahan siya ni ma'am Rose sa pagsiyasat.
"Student Coun-" naudlot ang sasabihin ni Mark John.
"Anong position mo?" tanong ni ma'am Rose habang tinignan niya si Rolly mula taas pababa at pabalik sa gitna. Napaharap sa palayo si Rolly habang namumutla.
"Secretary daw po o vice president," sabi ni Rolly. "Pinagiisipan ko pa po, kasi nga may mga tournament din kami sa basketball at quiz bee."
"Secreta-" muling naudlot sa ikalawang pagkakataon ang sasabihin ni Mark John.
"Ang research niyo, kumusta?" tanong ni ma'am Rose habang nakatitig ng malalim sa kanyang mga mata.
"Ayos naman po kami. Magaling po na president ng research club si Badet," sagot ni Rolly.
"Si ate Bade-" sa pangatlong pagkakataon ay muling naudlot ang sasabihin ni Mark John.
"Badet?" tanong ni ma'am Rose. Kumulimlim ang kanyang paningin. "Si Bernadette ba ang tinutukoy mo?" Tumango si Rolly. "Akala ko last na research na yun ni Bernadette?" Bulong ni ma'am Rose.
"Hi-hindi po," dahan dahang sagot ni Rolly. Pumitik ang dila ni ma'am Rose. "Bakit po, sir Tha?"
"Wala naman," napangiti si ma'am Rose. "Anong ginawa mo ngayon, Rolly?"
Tumahimik na lamang si Mark John dahil malinaw sa kanyang hindi siya makakasabay sa usapan ng dalawa.
"Break po muna kami-" sagot ni Rolly. Biglang lumapit si ma'am Rose sa kanya. Ang kanyang mga mata'y kumukutikutitap. Nanlaki ang mga mata ni Mark John."-ng Research club po, ma'am Rose, MJ. Break time kami ng research club ngayon." Dali-dali sagot ng namumutlang si Rolly.
"Saan ka papunta ngayon?" tanong ni ma'am Rose.
Nakatingin ng malalim si Mark John sa kuya niya. Mistula bang nanghihingi ng saklolo para makalaya sa mahigpit na pagbabantay ni ma'am Rose. Napansin ito ni Rolly at nakagawa siya kaagad ng dahilan para matulungan ang kapatid niya.
"Si Mark John po sana titignan ko kung okay lang siya sa section niya," sagot ni Rolly.
"Section ni Mark John?" tanong ng nakangiting si ma'am Rose. "Ay oo nga pala, baka alam mo kung ano ang section niya?"
"Opo naman," sabi ni Rolly. "Nagulat nga po ako nang tignan ko yung homeroom nila tapos wala siya doon."
"Ano ba ang section ni Mark John," tanong ni ma'am Rose. Napatingin sa gilid si Rolly. Hindi niya inaasahang itatanong itonsa kanya.
"Inutusan po ako ni sir kwan na hanapin ang kapatid ko," hindi malinaw na sagot ni Rolly.
"Sir kwan? Sino yun?" tanong ni ma'am Rose. "Nako, Rolly, h'wag mo akong pinagloloko. Alam mo ba talaga ang section Mark John?"
"Opo nga," sabi ni Rolly. Tumagaktak ang isang malamig na pawis ng lapitan siya sa mukha ni ma'am Rose.
"Alam mo ba talaga, Rolly?" tanong ni ma'am Rose. Tumaas ang isa niyang kilay.
Si Mark John naman ay nakangiti sa gilid at tinatawanan ang kalokohang ginawa sa kanya ng kanyang bunsong kapatid. Napasimangot si Rolly at aaminin na sana niya ang totoo nang biglang may tumawag na boses ng matanda lalaki sa may baba ng hagdan.
"Sir Thata," isang lalaking medyo may edad na, pero may pagka bagets ang galawan at damit, ang tumawag kay ma'am Rose. "Anong ginagawa mo diyan?"
"Sir Lito," bati ni Rolly at tumakbo siya palapit dito. "Good afternoon po," bati ni Rolly.
"Oh, ikaw pala Rolly," sabi ni sir Lito. "Putcha, gwaping na gwapings pa rin kahit second year na. Star section pa rin ba?"
"Opo," sagot ni Rolly. "Second Year, Einstein."
"Magaling, magaling," puri ni sir Lito sa kanya. Tinapik nito ang balikat ni Rolly.
Namangha ang si Mark John sa kuya niya.
"Oh? Yan ba ang kapatid mo, Rolly?" tanong ni sir Lito. "Si Mark John ba ng Magellan-1 yan?"
"Magella-" nagtatakang tatanungin sana ni Rolly kaso naalala niya ang sinabi niya kay ma'am Rose. "Opo, si Mark John nga po. Balak ko sana idiretso na isama siya sa research club kaya medyo tinanghali na po kami ng dating."
"Talaga ba?" tanong ni sir Lito. "Pero dapat sana ipinaalam mo muna kay sir Angelo na hindi siya makaka sama sa assembly at orientation kaninang umaga."
Nanlaki ang mata ng dalawang magkapatid. Nagtaka sila kung paano nalaman ni sir Lito na wala sila kaninang umaga.
"Ano po kasi, sir Lito," wala maisip na dahilan si Rolly at napatawa na lang. Napatawa na lang din si sir Lito.
"Rose Andag, may meeting tayo mamaya. Nasabihan mo na ba lahat ng faculty heads?" naging seryoso ang mga mata ni sir Lito nang tumingin ito kay ma'am Rose.
Napalundag at napakapit na lamang siya kay Mark John sa gulat.
"Pupuntahan ko pa lang po," sabi ni ma'am Rose at dali dali siyang umalis.
Lumapit si sir Lito kay Rolly at may binulong. Nakasimangot at nakayukong lumapit si Rolly na parang bang natalo.
"Nagkautang tuloy ako kay sir Lito," sabi ni Rolly.
"Kasalanan mo yan," sabi ni Mark John. "Ikaw kasi makakalimutin ka eh. Hindi sana ako male-late kapag hindi mo naiwan yung wallet mo."
"Ako pa?" sabi ni Rolly. "Ikaw nga naiwan mo ID mo."
Tumawa ang dalawang magkapatid.
"Yung pangako mo mamaya, kuya Rolly," paalala ni Mark John.
Tinignan ni Rolly ang cellphone niya para makita kung nag text ba si Badet. Napahinga siy ng maluwag nang makita niya na wala. Napansin niya rin hindi na gaano maamoy si Mark John.
"Nag cologne ka?" tanong ng kuya Rolly niya sa kanya.
"May third year kanina, binigyan ako. Si Lato," sabi ni Mark John.
"Oh? Nagkita kayo ni Lato?" tanong ni Rolly.
"Sandali nga, kuya Rolly," sabi ni Mark John. "Parang ang dami mo naman kakilala dito?"
Napatawa si Rolly.
"Ikaw nga mas marami kang kakilala sa atin," sagot ni Rolly. "Si Lato yung vice president ng research club."
"Talaga?" tanong ni Mark John. "Parang hindi naman."
Tumingin si Rolly sa kanyang cellphone at dun lamang niya napansin ang oras. Dalawampung minuto na lang at magtatapos na ang ikalimang subject. Naglakad ang dalawa patungo sa homeroom ng Magellan-1.
"Sino si sir Lito?" tanong ni Mark John habang naglalakd ang magkapatid. Naka unat ulit ang kamay ni Mark John pilit niyang inaabot ang magkabilang dingding ng pasilio.
"Siya ang principal ng school na to," sagot ni Rolly. "Fifteen years na ata, ayaw pa rin magretire. Parating niyang sinasabi na makaka anim pa siya. Hindi namin alam kung anim na taon pa o ewan. Taon-taon niyang sinasabi iyon."
"Anim?" nagtatakang sabi ni Mark John. Napailing lang si Rolly dahil hindi niya alam ang isasagot niya. "Si ma'am Rose, kuya Rolly, bakit sir Thata ang tawag niyo?"
"Hindi mo napansin?" tanong ni Rolly. "Dati siyang lalaki."
Nanlaki ang mga mata ni Mark John.
"Anong dating lalaki ang pinagsasabi niyo?" tanong ni Mark John.
"Bahala ka na kung paano mo intindihin yun," sagot ni Rolly. "Ay nga pala, si Lato nagbigay sayo ng cologne, 'di ba?" Tumango si Mark John. "Nadagdagan naman ang utang ko. Sino pa?"
Nagtaka sa tanong si Mark John.
"Anong sino pa?" tanong ni Mark John.
"Sino pa ang tumulong sa mahal ko na kapatid?" tanong ni Rolly.
"Bahala ka diyan," yamot na sagot ni Rolly.
"Dali na, para pasalamatan ko mamaya," sabi ni Rolly. Napaisip si Mark John at naalala niya ang damit na suot niya ang ang damit na naiwan niya.
"Si ma'am Rose," sagot ni Mark John. Tumayo ang balahibo ni Rolly.
"Si ma'am Rose?" kinakabahang tanong ni Mark John. "Trabaho naman niyang tulungan ang mga estudyante 'di ba? Anong ginawa niya maliban sa paghanap ng section mo at sa damit na suot mo?"
"Yung damit ko, siya na raw magpapalaba," sabi ni Mark John.
"Ay, ang bobo mo boy," asar na sabi ni Rolly. "Bakit iniwan mo sa kanya yung damit mo?"
"Bakit?" tanong ni Mark John.
"Bahala ka," sabi ni Rolly. "Malas daw yung ganun."
"Paano naging malas yun?" tanong ni Mark John. "Ipapalaundry niya nga raw."
"Bahala ka kung sumakit tiyan mo," sabi ni Rolly. Napahinto siya nang mabanggit niya ang tiyan ng kanyang kapatid. "Teka nga, okay ka ba? Baka nagugutom ka pa?"
"Okay na ata yung unsponsored Rebisco Peanut Butter Cookie kanina," sagot ni Mark John. "Nakakabusog din naman."
"Sandali nga lang kuya Rolly, bakit hindi mo naikukwento na kasama ka pala sa mga clubs sa school nyo dati? Varsity ka rin pala dito? Tapos ngayon kasama ka na sa student council?" Tanong ni Mark John.
Napatigil sa paglakad si Rolly at nagisip ng malalim.
"Hindi mo ba napansin yung mga tropeyo at nakadisplay na mga medals at ribbon sa dingding sa atin?" tanong ni Rolly.
"Wala naman tayong ganun sa unit natin," sabi ni Mark John.
"Talaga ba?" nagtatakang tanong ni Rolly. "Hindi ka pa ba nakakapasok sa katabi na unit natin?"
"Katabi nating unit? Hindi ba sport equipment room yun?" tanong ni Mark John. "Kapag may paliga sa atin, nagpupunta parati duon ang mga players at coach, eh. Minsan nga naririnig ko ang mga practice matches ng mga players na pumapasok dun."
Napangiti na lamang si Rolly habang malapit na sila sa homeroom ng Magellan-1. Laking gulat ni Mark John nang may nadapang mama sa palabas ng pintuan nila.
"Nako, si sir Reygie pala ang adviser niyo ngayong taon," sabi ni Rolly habang pinuntahan at tinulungan niyang bumangon ang natumbang guro. "Sir, good afternoon po. Tulungan na po namin kayo sa infirmary."
"Anong infirmary?" tanong ni Mark John.
"Kwarto nung nurse," sagot ni Rolly. "Bakit po kasi ang aga-aga nakainom na kaagad kayo? Teka lang saglit, saan na yung iba?"
"Hoy! Mark John!" napaturo kay Mark John si sir Reygie habang tinutulang itong bumangon. "Bakit wala ka kanina?!"
Nagulat si Mark John at hindi makapagsalita. Dinaan sa malumanay na tawa ni Rolly ang usapan upang mabasag ang tensyon. Alam ni Rolly ang ugali ng striktong guro. Kasalungat ito ng paguugali ni Mark John.
"Marami pong nangyari kanina, sir," sabi ni Rolly.
"Isa ka rin! Wala ka rin kaninang umaga," sabi ni sir Reygie. "Saan kayo nagpunta?!"
Tumulong na rin si Mark John nang kanyang mapansin na nahihirapan na ang kanyang kuya Rolly. Makalias ng ilag saglit ay patungo na sila sa infirmary.
"Maaga ko na pinaalisi ang mga kaklase mo Mark John," sabi ni sir Reygie. "Ikaw naman, Rolly, sa tingin ko kaya ko na. Iwan mo na kami ng kapatid mo, siya na lang magdala sa akin sa nurse. Ikaw naman ay pumunta na sa research club. Nandun na sila Badet at Lato."
"Sigurado po ba kayo?" tanong ni Rolly na may mapagdududa sa kanyang mga mata.
"Ano tingin mo sa akin inutil?" galit na umambang kay Rolly ang gurong paikaika. Humingi ng tawad si Rolly at pinaubaya na ang guro sa nakababatang kapatid.
Sumandal saglit si sir Reygie para makaag pahinga. Nagdesisyon na rin si Mark John na umalis ngunit ito'y pinigilan ni sir Reygie.
"Hoy!! Saan ka pupunta?! Hindi pa tayo tapos! Samahan mo ako sa infirmary," sabi ni sir Reygie at nagkapakapa siya sa kanyang bulsa. "Teka saglit, bumalik ka dun sa homeroom, may naiwan ako dun sa lamesa. Kunin mo!" galit na utos ni sir Reygie.
Walang nagawa si Mark John dahil ito ang tatayong pangalawang ama niya habang siya nasa eskwela.
Nagtungo si papunta si Mark John papunta sa classroom nila pero bago niya ito marating ay nakita niya ang diwatang para sa kanya nasa dulo ng pasilyo paakyat ng hagdan. Hahabulin na sana ito ni Mark John kaso biglang may tumama sa ulo niya. Chalk. Binato ito ni sir Reygie.
"Saan ka pupunta?!" pasigaw na tanong ni sir Reygie kay Mark John. Humarap siya kay sir Reygie at akmang lalaban. "Lalaban ka na?! Ha?! Kumpara sa kuya mo, wala ka pang nararating bata!"
Nagpigil si Mark John nang lumabas sa isipan niya ang maalalahanin niyang kapatid.
"Dalhin mo na sa akin yung pinapakuha ko! Bilisan mo na!!" muling utos ng malupit na guro.
Pumasok sa loob si Mark John at kanyang nasulyapan ang loob ng homeroom ng Magellan-1.
Malinis ang mga dingding at ang mga silya at mesa ay naka hilera ng maayos. Halatadong bagong pintura at bagong gawa ang mga ito. Whiteboard, na dapat blackboard, ang nasa harapan ng klase. Lumang luma ang lamesa para sa guro. Ang upuan nito'y walang sandalan.
Nanlaki ang mga mata ni Mark John at daling napatakbo at napasalip sa bakante katabi silid aralan.
Ang mga dingding ay nanluluma na. Mga pintura nito bitak at pa-laos nang pabakbak. Madali na lamang kurutin ang pintura at mabubunyag ang mala abong kulay ng pader. Tadtad din ang mga ito ng tape at mga laos na slogan. Blackboard ang nasa harap ng classroom. Ang lamesa ng guro ay pinalamutian ng slogan at naka cover ng plastic. Halatang takot mabahiran ng dumi. Ang mga nakahilerang maayos lamesa't silya naman ay makikitang luma na. Marahil ilang henerasyon na ng mga estudyante ang nakagamit na ng mga ito.
Napatingin si Mark John kay sir Reygie.
"Bakit may chalk kang dala?" ang tanong ni Mark John. Hindi niya rin alam kung bakit yun ang unang lumabas sa kanyang bibig.
Pumasok na lamang ang gurong paikaika. Hirap niyang binaybay ang kanyang yapak habang nakaslay sa kanyang mga kamay ang mga pader. Pumunta siya sa kanyang lamesa at uminom sa may bakal na flask sa ibabaw nito.
"Maupo kung sino ang gustong magklase," sagot ni sir Reygie.
Nagulat si Mark John sa biglaang pagiba ng ugali ng masungit na guro. Nagbabalak nang umalis ni Mark John pero nagiba ang balak nito nang makita niyang naglabas ng classrecord ang guro.
"May score ito," sabi ni sir Reygie at iwinagayway niya ang classrecord na hawak niya. Ang mga mata ng guro ay mistulang may binabalak. "Gusto mo bang mapahiya ang kuya mo?"
Kahit labag sa kanyang kalooban, pumasok sa loob ng homeroom si Mark John at naupo sa harap. Inihanda niya ang kanyang sarili para sa sermon na magaganap.
"Teka, teka, hindi ka dyan," malumanay na sabi ni sir Reygie. "Mark John." Hinahanap ni sir Reygie ang pangalan ng estudyante sa sitting plan. Nang napahinto ito ay itinuro niya ang gitnang upuan sa kaliwang bahagi ng middle isle. "Diyan ka nakapwesto dapat."
Tumayo ang estudyante at nagpunta sa nakalaan upuan para sa kanya.
"Naririnig mo ba ako Mark John?" tanong ng guro.
"Opo," dismayadong sagot ni Mark John.
"Kailangan ko pang lakasan. Kapag kumpleto kayo, kailangan mas dinig ng inyo tenga ang aking boses kaysa ng inyong mga puso," humingang malalim si sir Reygie at nilaksan pa ng kaunti ang kanyang boses. "Mark John, rinig mo na ba ako?"
"Opo, sir," sagot ni Mark John. Kahit hindi niya na naiintindihan ang nangyayari.
"Para sa una mong katanungan kung bakit may bitbit akong chalk kahit whiteboard ang gamit natin sa kwartong ito," sabi ni sir Reygie. Naglabas ng mga iba't ibang kulay ng whiteboard marker at isang box ng chalk si sir Reygie galing sa drawer ng kanyang lamesa. "Ano sa tingin mo, Mark John?"
"Para may pambato sa makukulit na estudyante?" sagot ng yamot na Mark John.
Lumipad ang isang whiteboard marker palabas ng harap na pintuan. Wala itong takip kaya nagiwan ito ng mantya ng tinta sa dingding ng pasilio.
"Ayaw kong madungisan ang loob ng klase," sabi ni sir Reygie. "At mas lalo na ayaw ko rin mamantyahan ang damit ng aking mga estudyante. Pero alam kong hindi naman sa atin ang unipormeng suot mo."
Tumayo at lumapit ang guro kay Mark John. Nakatitig ang estudyante sa hawak ng guro. Isang walang takip na marker. Tumayo bigla si Mark John at umatras.
"Ano mayroon sayo?" tanong ni sir Reygie at sinulatan ang sariling niyang damit. Walang sulat ang marker na dala niya. Kahit gusot at medyo madungis ang damit ng guro ay wala itong mantya ng marker.
"Anong bang problema mo?" galit na tanong ni Mark John.
Napangiti si sir Reygie at napailing.
"Nagtuturo," sabi ng guro. "May nais kang malamang 'di ba?"
Napatingin si Mark John sa bintana sa labas ng pasilio. Luntiang mga dahon ang kumakaway kay Mark John sa labas. Ang bughaw na kalangitan natitig sa kanyang mga mata.
"Anong tinitignan mo, Mark John?" tanong ni sir Reygie. Natauhan si Mark John. Tumingin siya sa guro at biglang tumingin sa sahig.
"Wala po," sagot ni Mark John. Tumalikod ang guro at bumalik sa kanyang mesa.
"May chalk akong dala kung sakaling may manghinging guro sa akin," hinawakan niya ang kahon ng chalk sa kanyang mesa. "Siyempre hindi ito libre."
Napatingin si Mark John sa harap ng klase at napansin niyang may nakalagay na 'Donated by' sa kahon na hawak ng guro. Naupo si Mark John.
"Sir, ano po-" naputol ang sasabihin ni Mark John.
"Magtaas ng kamay ang gustong magsalita," sabi ni sir Reygie. Napatigil si Mark John at nagbuntong hininga. Tinaas niya ang kanyang kamay. "Mark John."
"Sir, ano po ang ibig sabihin ng donated by?" tanong ni Mark John. Natawa si sir Reygie at ibinalik sa drawer ang kahon ng chalk.
"Nangaasar ka ba?" tanong ni sir Reygie.
"Hindi po, hindi ko po kasi alam ang ibig sabihin nun," sagot ni Mark John.
"Ah, ganun ba?" sabi ni sir Reygie. "Ano pang ibang tanong?"
Magtatanong na sana agad si Mark John pero naalala niya ang patakaran ng adviser niya. Nagtaas ng kamay si Mark John.
"Sir, bakit po walang laman ang ating classroom?" tanong niya at hindi na naghintay matawag.
"Walang laman? May lamesa, may upuan may electric fan," sabi ni sir Reygie. "Anong walang laman?"
"Hindi, bakit hindi tulad ng kwarto natin ang ibang kwarto? May mga slogan at paskil sa mga dingding ang nakita kong klase pati na yung katabi natin. At lamesa mo walang plastic cover. Lahat ng nakita kong classroom may plastic cover ang mga lamesa ng teacher. Bakit sayo wala-"
"Ang dami mo namang tanong," sabat ni sir Reygie. Nag ring ang bell para sa susunod na subject. "Nasa ibang building yung next subject nyo." Tinuro ni sir Reygie ang building sa dulo ng court at binigyan ng direksyon si Mark John. "Bilisan mo para makita mo na rin ang mga kaklase mo. Kung kailangan mo ako nasa infirmary lang ako parati."
Lumabas si Mark John ng classroom at kanyang nakita bumaba ang kanyang diwata sa dulo ng pasilio. Susundan na sana ni Mark John nang may tumama na naman chalk sa kanyang ulo.
"Bilisan mo na," sigaw ng kanyang adviser.
Tumalikod si Mark John at tumuloy sa kabilang dulo ng pasilio. Palayo sa kanyang diwata.
Ang kanyang ulo ay naka yuko at ang mga mata niya'y nasa sahig. May kung anong kirot ang bumabagabag sa kanyang dibdib. Mabigat ang kanyang mga yapak. Tila ba may sariling isip ang kanyang mga paa at nais sa kabilang dulo na lamang pumunta. Naisip niya ang kuya niya at ang mga karangalan natanggap nito. Habang siya ay pasibol palang at wala pang maipagmamalaki. Ang kanyang diwata ay nasa star section, sa malayong dulo naman ang sa kanya.
"Mark John, tama ba?" isang babaeng guro ang tumawag sa kanya. Napatingin si Mark John at napaisip kung sino ang magandang gurong kumausap sa kanya at kung bakit parang nakita na niya ang gurong ito.
"O-opo," ang nagaatubiling sagot ni Mark John.
"Nakita mo na ba section mo?" tanong ng guro.
"Opo, Magellan-1 po ako," sagot ni Mark John.
"H'wag kang mahiya sa akin," sagot ng guro. "Ako nga pala si Amanda. Yung tinanungan niyo kanina."
"Ma'am Amanda po?" sabi ni Mark John.
"Ako yun," sagot ni ma'am Amanda at napatawang mahinhin. "Pakitulungan mo nga ako sa mga gamit ko. Section niyo kasi ang next na tuturuan ko."
Binitbit ni Mark John ang ibang gamit ni ma'am Amanda. At nagsimula na silang maglakad.
"Kuya mo si Rolly, 'di ba?" tanong ni ma'am Amanda.
"Opo, ma'am," sagot ni Mark John.
Tumakbo sa harap ni Mark John si ma'am Amanda. Halata ang pagkayamot sa nagniningning na mga mata ni ma'am Amanda. Lumapit siya kay Mark John at bumulong.
"Pwede ba pag tayo-tayo lang. H'wag mo na akong tawagin na ma'am," sabi ni ma'am Amanda. "Pakiramdam ko kasi tumatanda ako. Tawagin mo na lang akong ate."
Napailing ng kunti si Mark John sa hindi pagkakaintindi sa nangyayari. Napansin niyang napakaganda pala ng teacher niya. Tumango si Mark John.
"Okay po, ma-" napahinto si Mark John. "Okay po, Ate Amanda."
Napangiti ng lubusan si ma'am Amanda at ang dimple niya sa kanyang pisngi ay napasilip kay Mark John.
"Ang ganda," hindi napansin nasabi ni Mark John ang nasa isip niya.
"Salamat," ang sabi ni ma'am Amanda.
Hinawakan ng guro ang kamay ng estudyante. At binilisan nilang maglakad. Namula ang pisngi ni Mark John. Hindi niya magawang bumitaw.
"Sayang at hindi ka napabilang sa star section, Mark John," batid ni ma'am Amanda.
"Ma- Ate, may tanong ako," sabi ni Mark John. "Bakit po iba ang uniporme ni sir Reygie sa mga nakita kong teacher dito?"
"Si sir Reygie? Ay ganun talaga yun," sabi ni ma'am Amanda. "Medyo may pagka strikto at weirdo, no?"
"Ano po yung weirdo?" biglang tanong ni Mark John.
"Kakaiba," sagot ni ma'am Amanda. "Pero mabait yun si sir Reygie. Hindi ko lang alam pero parang may galit sa akin. Mahal na mahal siya ng mga nahawakan niyang mga estudyante."
"Nahawakan?" Napahinto at nanlaki ang mga mata ni Mark John.
"Mga naging estudyanteng naging adviser siya," sabi ni ma'am Amanda habang hintak ulit niya ang estudyante. "Ano bang nasa isip mo?" Napangiti ang guro.
Habang naglalakad sila sa pasilio nakasalubong nila ang babaeng estudyante sa cr ng mga lalaki kanina.
"Ray, kumusta?" bati ni ma'am Amanda. Napalingon ang estudyante. Nakangiting babati sana sa guro kaso nawala ito nang magkatitinginan ang dalawang estudyante.
Nanlaki ang mga mata ni Ray sa gulat nang makita niya si Mark John.
"Yung mabahong estudyante!" puna ni Ray.
"Bold," sagot naman ni Mark John. Biglang namula ang babae.
"Anong bold?" gulat na tanong ni ma'am Amanda.
"Kanina po kasi-" magsasalita pa sana si Mark John nang biglang lapitan siya ni Ray at tinakpan ang bibig nito.
"Ano kasi kanina, ma'am Amanda," natatarantang sagot ni Ray. Si Mark John ay nagpupumiglas sa pagkakatakip sa bibig nito. "Kaninang lunch break gumagawa kami kanina ng skit para sa isang balak namin project. Tas nagamit ko yung salitang bold kanina. Tinanong niya kami kung ano ang ibig sabihin nun, sabi ko matapang."
Napangiti si ma'am Amanda.
"Tama, matapang," sabi ng guro. "Ayaw mo yun? Tawag sayo ng freshman ay matapang?"
"Nahihiya po ako," sabi ni Ray na may halo ng pagkadismaya. Humina ang pagkakakapit niya sa kapwa estudyante.
Nakita itong pagkakataon ni Mark John at pumiglas kay Ray.
"Ate, kanina po nakita ko silang dalawa ni Lato-" pero bago pa man matapos ang pagbubunyag nabatukan ng malakas si Mark John at napaluhod.
"Ray, anong ginagawa mo?" tanong ni ma'am Amanda.
"Ma'am marumi po kasi yung ulo niya tinanggal ko lang yung powder nh chalk," pinakita ni Ray ang kanyang namumuting palad.
Tinulungan ni Ray si Mark John para makatayo. Nagagalit si Mark John at para bang gustong gumanti. Bumulong si Ray kay Mark John.
"Ate?" sabi ni Ray. "Hindi ba kuya mo si Rolly?"
Napatingin si Ray kay ma'am Amanda. Napangiting parang maamong tuta ang guro.
"Yun kasi ang sabi-" dalidali tinakpan ni ma'am Amanda ang bibig ni Mark John.
"Okay na ata si Mark John," natatarantang sabi ni ma'am Amanda. "Tara na Mark John, may klase pa tayo. Bilisan mo na rin, Ray. Baka magalit yung next subject mo na teacher sayo."
"Hindi po, may meeting po kami ng student council ngayon, naka adjourn lang po kami."
"Ay, ganun ba," sabi ni ma'am Amanda. "Tara na, Mark John. Baka magsi alisan na mga kaklase mo."
"Klase mo sila ngayon, ma'am Amanda?" tanong ni Ray. "Samahan ko na kayo, gusto ko rin kasi makita ang freshman natin."
"Sabay ka na," sabi ni ma'am Amanda.
"Mga gamit mo ba yang dala ni Mark John, ma'am Amanda?" tanong ni Ray. Tumangong nakangiti ang guro. "Ako na po magdala. H'wag po natin gaano kawawain ang mga freshmen natin."
Napatawa ng mahihin ang guro at pumayag sa alok ng junior na estudyante.
Nang papalabas na sila ng building nakita nila si Noel (Lato).
"Mark John," tanong ni Noel. Napalingong nakangiti si Ray. "Kasama mo si ma'am Amanda at si Ray? Saan punta nyo?"
"Kuya Lato," bati ni Mark John.
Dali-dali iniabot ni Ray kay Mark John ang gamit ni ma'am Amanda. Umakbay siya kay Noel at napangiti. Ang mga nagniningning na mga mata ni Ray ay may itinatago.
"Bakit ang tagal mo kanina?" tanong ni Ray.
"Ano kasi," ang pagkakaakbay ni Ray ay humigpit sa leeg ni Noel.
"May inasikaso kasi kami kanina sa research club," hirap na sagot ni Noel.
"Si Badet na naman?" yamot na pangaasar ni Ray. "Paano naman ako?" Pinatong ni Ray ang mga braso niya sa balikat ni Noel.
Lumaki ang mata ni Mark John at ma'am Amanda. Naka nganga si Noel, namumutla at hindi makapagsalita. Tumuro ang daliri ni Mark John sa dalawang magkasintahan
"Rachel Edwardine, Noel Amo, ano ang ginagawa niyong dalawa?" galit na puna ni ma'am Amanda. Hindi maipintang takot ang nasa mukha ni Noel. Si Ray naman ay nakangiting mapungay ang mga mata, tila ba nanghahamon at nangaasar.
"Hindi naman po masamang magharutang ang dalawang magkasintahan, hindi po ba?" tanong ni Ray. Inalis niya ang kanyang mga kamay sa namumutlang si Noel. Lumapit ang dalagang estudyante at may ibinulong sa guro. Namutla ang mukha ni ma'am Amanda at ang mga mata niya may halong ng inis at takot.
"Hinahamon mo ba ako, Rachel Edwardine?" galit na sinabi ng nanginginig na si ma'am Amanda. "Kapag malaman ito ng-"
"Talaga ba, ma'am Amanda?" sabat ni Ray.
Lumapit si Noel para hatakin ang kamay ni Ray. Si Ray naman ay ayaw magpapigil. Humingi ng paumanhin si Noel at ito'y nasampal ng malakas ni Ray.
"Anong ginagawa mo, Noel?" galit na tanong ni Ray.
"Ikaw, anong ginagawa mo, Rachel?" malungkot ang mga mata ni Noel. Napansin ito ni Ray at siya napakalma. Ang mga mata ni ma'am Amanda ay namumula na at handa nang umiyak. Napangiti si Ray at hinagkan ang guro. Humingi ito ng pasensya at umalis na ang dalawang magkasintahan. Hatak ni Noel sa braso si Ray.
"Ma'am Amanda, okay ka lang po," tanong ni Mark John. Tahimik siya sa buong pangyayari dahil hindi niya alam kung ano ba talaga ang nangyayari.
"Okay lang ako, Mark John," sabi ni ma'am Amanda sabay patong ng kamay nito sa ulo ng estudyante. Hinaplos nya ito at mga alikabok ng chalk ay nagsipaglabasan sa ulo ni Mark John. Napatawa ang guro. "Bakit ang daming chalk ng buhok mo?"
Nagtataka siya kung bakit maraming chalk ang ulo niya. Dalawang beses lang naman siyang binato ng malupit na adviser nila.
Habang hinahaplos ni ma'am Amanda ang buhok ni Mark John ay napuwing ang kanyang mata. Kakamutin na sana niya ito nang hawakan ng guro ang kamay ng estudyante. Inilapit ni ma'am Amanda ang kanyang mukha kay Mark John. Napapikit si Mark John dahil ganda-ganda talaga sa kanyang guro. Inihanda niya ang kanyang labi.
Nagulat si Mark John nang pwersahing buksan ni ma'am Amanda ang sarado niyang mata at ang mapulang labi ang kanyang nakita. Hinihipan ni ma'am Amanda ang napuwing na mata ni Mark John. Napaatras ang estudyante. Kakamutin na sana niya ang kanyang mata pero mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kanya ng guro. Napapikit na lang ng ilang beses si Mark John hanggang sa mawala na ang puwing.
"Okay ka na, Mark John?" tanong ni ma'am Amanda.
Namumula ang pisngi ng estudyante at tumango.
"Tara na, kalahating oras na tayong huli sa klase natin," hinatak ni ma'am Amanda si Mark John papunta sa kabilang building.
Hindi alam ng estudyante kung anong nangyayari. Napatingin siya sa itaas na palapag ng gusaling pinanggalingan nila. Humiling siyang sana walang nakakita. Pero sa may isang bukas na bintana nakita niyang nakatitig sa kanilang dalawa diwata ng kanyang buhay. Mainit ang mga nito at nanggagalaiti.
Tumakbo ang diwata paloob nang makita niyang nakatingin rin sa kanya ang matabang estudyanteng hindi naman sa kanila naga-aral.